-- Advertisements --
Hiniling ni Mexican President Claudia Sheinbaum kay pangulo ng South Korea na magsagawa ng mas maraming show ang BTS sa bansa nila.
Sinabi nito na sinulatan na niya South Korean President Lee Jae Myung para magkaroon ng mas maraming show ang Kpop Group.
Umaasa ito na magiging positibo ang nasabing tugon ng South Korean President.
Magsasagawa kasi ng tatlong araw na konsiyerto sa Mexico ang BTS para sa muling pagbabalik nila sa world tour.
Sa loob lamang kasi ng 40 minuto ay agad na naubos ang tickets sa Mexico.
Dagdag pa ng Mexican President na may ilang taga ibang bansa rin ang bumili ng tickets para manood ng nasabing konsiyerto.
















