-- Advertisements --
Hindi dapat matakot ang mga miyembro ng House of Representatives sa naging deklarasyon ni Vice President Sara Duterte na tumakbo sa pagkapangulo sa 2028 presidential elections sa gitna ng nakabinbing impeachment complaints laban sa kanya.
Tugon ito ni Palace Press Officer USec. Claire Castro sa naging pahayag ng Makabayan bloc na maaaring “panakot” sa mga kongresista ang deklarasyon ni VP Sara.
Sinabi ni Castro, maaaring may basehan ang kanilang pananaw, ngunit hindi aniya dapat magpakita ng pangamba ang mga halal na opisyal dahil lamang sa simpleng pag-anunsiyo ng kandidatura.
Binigyang-diin ng Palasyo na opinyon lamang ng Makabayan bloc ang naturang pahayag.
Kahapon inihain ang ika-apat na impeachment complaint laban kay VP Sara.
















