-- Advertisements --

Inanunsiyo ng K-Pop superstar na BTS ang kanilang comeback world concert tour na magsisimula na sa buwan ng Abril ngayong taon matapos ang release ng kanilang bagong album.

Inilabas ng music label ng BTS na BigHit Music ang mga petsa at lugar para sa concert tour ng grupo na may kabuuang 79 shows sa Asia, US at Europe. Magsisimula ang tour ng BTS sa 3-day concert sa Goyang, South Korea sa Abril.

Kahit na naka-schedule pa sa susunod na taon, nagpahayag na ng excitement ang Filipino Armys nang mapasama ang Manila sa world tour concert ng BTS, na naka-schedule sa March 13-14, 2027.

Binansagan naman ng media ang concert tour ng BTS bilang “biggest K-Pop tour of all time.”

Ito ang unang world concert tour ng grupo makalipas ang apat na taon matapos ang kanilang “Permission to Dance on Stage” concert series sa stadiums sa Seoul, Los Angeles at Las Vegas sa pagitan ng 2021 at 2022.

Ito rin ang unang pagkakataon na magpe-perform onstage ang BTS nang kumpleto matapos ang matagumpay na completion ng kanilang mandatory military services mula 2022 hanggang 2025.