Inanunsiyo ng Korean group na BTS ang pagsasagawa nila ng World Tour.
Sa kanilang social media account ay ibinahagi ang mga lugar kung saan kabilang ang Pilipinas.
Isasagawa ng grupo ang concert nila sa Pilipinas sa darating na Marso 13 at 14.
Magsisimula ang kanilang world tour sa Goyang, South Korea sa buwan ng Abril bago iikot sa iba’t-ibang bansa sa Asya, Europa, Australia, North at South America.
Huling bumisita ang grupo ay noong 2017 sa kanilang “Wings” tour habang ang isang miyembro nila na si J-Hope ay bumalik sa bansa noong Abril ng nakaraang taon.
Nakatakdang ilabas ng grupo ang kanilang ikalimang studio album sa buwan ng Marso.
Mula ng mabuo noon 2013 ay sumikat na sila sa buong mundo at nakagawa ng mga record gaya ng may pinakamaraming views at streams online.
















