Naghahanda na ang Oklahoma City para sa gagawin nilang victory parade matapos na tanghaling kampeon ang Oklahoma City Thunder bilang 2025 NBA Champions.
Sinabi ni Oklahoma City Mayor David Holt, na isasagawa ang parada sa Hunyo 25 at magsisimula ito sa Midtown hanggang Paycom Center at Scissortail Park.
Inaasahan din ng alkalde ang kalahating milyong mga fans ng Thunder ang lalahok sa parada.
Inimbitahan din ng alkalde ang mga fans ng Thunder mula sa iba’t-ibang bahagi ng US.
Tiniyak din nito na maglalagay sila ng mga maraming kapulisan para magbantay sa seguridad ng mga dadalo sa parada.
Bago ang parada ay magtitipon muna ang koponan sa Paycom Center para isang programa.
Magugunitang tinalo ng Thunder ang Indian Pacers sa Game 7 nila ng NBA Finals sa score na 103-91.