Hindi nagpapakumpiyansa ang Oklahoma City Thunder na makuha nila ang kampeonato kahit na sa kanilang home court gagawin ang Game 7 finals nila ng Indiana Pacers.
Ayon kay Thunder star Shai Gilgeous-Alexander, na mahalaga ang nasabing laro at ang pagkuha ng kampeonato ay matagal na nilang pangarap.
Kasalukuyang nangunguna kasi si Gilgeous-Alexander sa scoring sa NBA na mayroong 32.7 points per game at maaaring siya ang unang manlalaro kasunod ni Golden State Warriors star Stephen Curry noong 2015 na makakuha ng Most Valuable Player at ng titulo sa parehas na season.
Sinabi naman ni Pacers star Tyrese Haliburton na ang huling laro ay siyang hindi malilimutan nila kung saan humanga ito sa kaniyang team mates dahil sa napuwersa nila sa Game 7 ang finals matapos na ilampaso ang OKC noong Game 6.
Nasa pang-apat na puwesto ang Pacers sa Eastern Conference ng talunin nila ang top-seeded na Cleveland Cavaliers at third seeded na New York Knicks bago makapasok sa Finals.
Ang home team ay mayroong 15 panalo at apat na talo sa Finals ng Game 7 kung saan heavy favorite na manalo ang OKC.
Itinuturing din na ang OKC ang pinakabatang koponan na nakapasok sa Finals mula 1977 dahil sa taong 2008 lamang sila nabuo mula ng ilipat sila ng Seattle SuperSonics.