-- Advertisements --

Nakatakdang i-trade ng Phoenix Suns si 15-time All Star forward Kevin Durant sa Houston Rockets.

Kapalit nito ay makukuha nila si Jalen Green, guard-forward Dillon Brooks at number 10 pick sa 2025 draft.

Sinabi ng two-time NBA Finals Most Valuable Player na sabik na rin itong mailipat sa Rockets.

Humanga ito sa naging performance ng Houston ngayong season maging ang leadership ng koponan.

Natitiyak niya na magiging maganda siyang pandagdag sa nasabing koponan.

Mayroong kabuuang 62 na laro ang 36-anyos na si Durant sa Suns at may average siya na 26.6 points, anim na rebounds at 4.2 assists kada laro.

Ang Rockets ay nagtapos ng second-best record sa Western Conference na mayroong 52 panalo at 30 na talo kung saan nabigo sila sa first round ng playoffs sa kamay ng Golden State Warriors sa loob ng pitong laro.