Vanessa
-- Advertisements --
kobes
Kobe Bryant/ Lakers FB

Puno pa rin ng pagmamahal ang pagbati ni Vanessa Bryant sa ika-43 kaarawan ng pumanaw na NBA star na si Kobe.

Sa kaniyang social media ay nag-post ang maybahay ng Los Angeles Lakers star ng larawan nilang dalawa at may mensaheng mahal niya ng buong buhay.

Bukod kay Vanessa ay bumuhos rin ang pagbati mula sa iba’t ibang NBA stars at sports personalities.

Magugunitang noong Enero 2020 ng nasawi si Bryant kasama ang anak nitong si Gianna at pitong iba pa ng bumagsak ang sinakyan nilang helicopter.