-- Advertisements --
Nakatakdang dumating bukas o sa araw ng Sabado ang ikalawang batch ng Filipino repatriates mula sa Middle East ayon sa Department of Foreign Affairs.
Kinumpirma ni DFA USec. Eduardo de Vega na binubuo ng 20 Pilipino mula Israel ang ikalawang batch ng mga repatriates.
Aniya, mula sa Israel posibleng dumaan sila sa pamamagitan ng Bangkok, Thailand.
Matatandaan dumating sa bansa ang unang batch ng Filipino repatriates noong gabi ng Martes. Ang mga ito ay mula sa Israel, Jordan, Palestine at Qatar.
Pinagkalooban naman sila ng gobyerno ng Pilipinas ng mga tulong pinansiyal na nagkakahalaga ng P150,000 at binigyan ng temporary shelter o transportation pauwi sa kani-kanilang probinsiya.