-- Advertisements --

Muling binuksan ang Rafah crossing, pangunahing daanan palabas at papasok ng Gaza, ngunit kaunti lamang ang nakatawid dahil sa pagtatalo sa crossing, matagal na paghihintay, at mga ulat ng ilang Palestino na naka-posas at ini-interrogate ng Israeli soldiers.

Ayon sa UN, sa unang apat na araw, 36 pasyente at 62 kasama lamang ang nakalabas, habang tinatayang halos 20,000 Palestino ang naghihintay. Sarado rin ang crossing noong Biyernes at Sabado.

Ilang Palestino ang nagkuwento ng mahigit anim na oras na interogasyon at pang-iinsulto, at ayon sa UN, may “pattern ng ill-treatment at humiliation” ng Israeli forces.

Nagpatuloy ang pagkaantala dahil sa limitadong transportasyon, bawal na gamit, at isa-palabas, isa-papasok na sistema. Sa kabila nito, may mga Palestino tulad ni Siham Omran na nagpasalamat sa makabalik sa kanilang tahanan, kahit nakatira sa isang tolda kasama ang 15 kapamilya. (Report by Bombo Jai)