-- Advertisements --

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na papanangutin nila sa batas ang kahit sinumang sangkot sa kaso ng 34 mga sabungero na nawawala simula pa noong taong 2021.

Ayon kay PNP Spokesperson PBGen. Jean Fajardo ito ay batay na rin sa direktiba at kagustuhan ni PNP Chief PGen. Nicolas Torre III na matiyak na makakasuhan ang mga sangkot sa naturang krimen.

Ayon kay Fajardo, wala silang sasantuhin sa kaso na ito kahit pa ang mga sangkot ay mga sibilyan man o may mataas na katungkulan sa loob ng kanilang organisasyon.

Dagdag pa dito ay kasalukuyan na silang may ilang mga detalye na hinihintay mula sa isa sa mga akusado para tuluyan na itong gawing testigo sa kaso kasunod ng mg naging rebelasyon nitong mga nakaraang araw.

Samantala, tiniyak naman ng tagapagsalita na mannatiling bukas ang kanilang hanay para makapagpabot ng seguridad sa mga posibleng state witness at siniguro na handa rin ang PNP na makipagtulungan sa pagresolba ng kaso sa lalong madaling panahon.