Tinanggal na ng US State Department ang kanilang global “Do Not Travel” advisory.
Sa inilabas na kalatas ng ahensiya, nag-iimprove na an gmga health at safety conditions ng ibang bansa kaya ibabalik na nila ang dating mga travel advise sa bawat bansa.
Ilan sa mga bagong panuntunan ay ang pag-update sa mga travel alerts ng mga bansa.
Kinabibilangan ito ng Level 4 o Do not Travel advisories sa may 30 bansa gaya ng India, Russia, Bangladesh, Belize, Bolivia, Costa Rica, Dominican Republic, Egypt, El Salvador, Haiti, Iran, Kosovo, Kazakhstan, Mongolia, Honduras at Libya.
Habang level 3: reconsider travel advisories ay kinabibilangan ng mga bansa gaya ng European Union, United Kingdom, Vietnam, Pilipinas, Laos, Australia, Sri Lanka, Liberia at Armenia.
Pinagbawalan ng US ang lahat ng kanilang mamamayan na bumiyahe sa China kung saan nasa State Department na “Do Not Travel” ang nasabing bansa mula pa noong Hunyo.
Magugunitang noong Marso ng ipatupad ng US ang pagbabawal sa kanilang mga mamamayan na bumiyahe dahil na rin sa banta ng coronavirus.