-- Advertisements --

Napanatili ng bagyong Dante ang kaniyang lakas habang patuloy itong umuusad sa hilagang kanluran sa karagatang sakop ng bansa.

Base sa monitoring ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), nakita ang sentro ng bagyo sa may 880 kilometers ng silangan bahagi ng Extreme Northern Luzon.

May taglay ito na lakas ng hangin na 55 kilometers per hour at pagbugso ng 70 kph.

Inaasahan na makakalabas na sa Philippine Area of Responsibility ang bagyo sa gabi ng Huwebes, Hulyo 24 o umaga ng Biyernes.

Bagamat walang itinaas na storm signal ay magpapatuloy pa rin na magdudulot ang bagyong Dante ng pag-ulan.