-- Advertisements --

Labis na ikinalungkot ng mga lider ng simbahan sa Jerusalem matapos na makita nila ang kalagayan ng Gaza.

Sinabi ni Latin Patriarch, Cardinal Pierbattista Pizzaballa, nasaksihan nila ang mga tao na pumipila ng ilang oras para makakuha lamang ng pagkain.

Hindi ito makatarungan at hindi katanggap-tanggap na dapat danasin ng mga tao sa Gaza.

Ayon naman kay Greek Orthodox Patriarch, Theophilos III na marapat na tulungan ng mga bansa ang residente na naiipit sa giyera.

Bumisita ang dalawa sa Holy Family Church sa Gaza na tinamaan ng airstrike ng Israel na nagresulta sa pagkakasawi ng dalawang katao.