-- Advertisements --
Sinisi ng US ang Hamas na sila ang naging dahilan ng sa bigong magkaroon ng ceasefire deal.
Sinabi ni Steve Witkoff ang special envoy for Middle East na pinauwi na sila ni US President Donald Trump matapos ang bigong ceasefire talk sa Qatar.
Dagdag pa nito nanagpakita ang Hamas ng tila kawalan ng interest sa nasabing pakikipag-usap.
Isang malaking kahihiyan aniya ang ginawang pag-akto na ito ng mga Hamas.
Dahil dito ay umuwi na rin ang mga kinatawan ng Israel matapos ang bigong ceasefire deal.
Tiniyak naman ni Witkoff na gagawa sila ng ibang paraan para makauwi na ang mga bihag ng mga Hamas.