-- Advertisements --

Umabot na sa 12.51 meter ang average ng tubig sa Laguna de Bay ngayong Huwebes ng umaga, lagpas sa “critical high” threshold nito na 12.50 meter.

Ayon sa Laguna Lake Development Authority (LLDA). Dulot ito ng patuloy na pag-ulan mula sa habagat, bagyong Dante, at bagong bagyong Emong.

Nagbabala naman ang LLDA ng mas mataas na panganib ng pagbaha sa mga baybaying-lawa at mabababang lugar, na nakapalabot sa Laguna lake at hinikayat ang mga residente na maging handa sa posibleng paglikas.

Maaari rin umanong abutin ng ilang buwan bago bumalik sa normal ang lebel ng tubig kahit humina ang pag-ulan.

Samantala, nananawagan ang mga opisyal ng Laguna ng dredging o paghuhukay sa lawa upang maibsan ang pagbaha.