-- Advertisements --

Nais ipaurong ng Department of Justice ang mosyong inihain kamakailan ng mga piskal hinggil sa naging hatol kay Congresswoman Leila De Lima sa kasong may kinalaman sa ilegal na droga.

Kung saan ipinauurong ni Justice Secretary Remulla ang naturang mosyon na hiling baligtarin ang ‘aqcuittal’ sa kaso.

Layon kasi sa inihaing mosyon ng mga piskal sa Muntinlupa Regional Trial Court Branch 204 na mabaliktad ang pagkaka-abswelto ni ML party-list Rep. Leila De Lima.

Base sa isang pahayag ni Justice Secretary Remulla, kanya na raw nakausap ang Prosecutor General ukol sa naging hakbang.

Kung saan kanyang ipinag-utos na ipaurong ang inihaing mosyon ng mga piskal at sinabing impluwensya lamang ito ng political agenda.

Maalala na kamakailan ay naghain ng ‘motion for reconsideration’ ang Department of Justice Panel of Prosecutors kontra kay Congresswoman De Lima.

Hiling nila na maiparekunsidera ang naging desisyon ng Muntinlupa RTC at pati ang maipadeklarang ‘guilty’ ito sa kaso.