-- Advertisements --
Hindi pabor si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa panawagang ideklarang persona non-grata ang ilang Chinese officials, kabilang si Chinese Ambassador Jing Quan.
Ito ay kasunod ng naging palitan ng maaanghang na pahayag sa pagitan ng ilang opisyal ng Pilipinas at ng Chinese Embassy.
Sinabi ni Castro, isang maikling “NO” ang tugon ng pangulo sa panawagang ito.
Wala namang ibinigay pang paliwanag ang palasyo bilang katwiran sa sagot ng pangulo.
Ayon sa Palace Official, mas pinipili ng Pangulo ang mahinahon at diplomatikong paraan ng pagresolba ng hindi pagkakaunawaan upang mapanatili ang bukas na komunikasyon at maiwasan ang lalo pang paglala ng tensyon sa pagitan ng dalawang bansa.









