-- Advertisements --

Umabante sa finals ng Mubadala Citi DC Open ang Filipino-Canadian tennis star na si Leylah Fernandez matapos ang isang matinding tatlong oras at 12 minutong laban kontra World No. 3 na si Elena Rybakina nitong Sabado.

Tinalo ni Fernandez ang Kazakhstani na si Rybakina sa iskor na 6-7 (2), 7-6 (3), 7-6 (3) upang marating ang kanyang ika-pitong WTA singles final.

Si Fernandez, 22, ay kasalukuyang World No. 36 at haharap sa final kay Anna Kalinskaya ng Russia, World No. 11, sa Linggo sa William H.G. FitzGerald Tennis Center.

Tatanggap ang magiging kampeon sa final ng $420,525 at 500 ranking points.

Sa kabilang banda muling pinatunayan ng left-handed Filipino-Canadian ang kanyang tibay at determinasyon sa tagumpay laban kay Rybakina.

Nakilala si Fernandez sa buong mundo matapos ang kanyang pagpasok sa final ng US Open noong 2021.

Noong 2023, naging susi rin siya sa unang Billie Jean King Cup title ng Canada.

Makakalaban niya sa final si Kalinskaya, na umangat sa world rangkings matapos ang magandang kampanya sa Australian Open 2024 at Dubai final.