-- Advertisements --

Kumasa si Philippine National Police (PNP) chief Gen. Nicolas Torre III sa naging hamon na suntukan ni Davao City acting Mayor Sebastian ‘Baste’ Duterte.

Ayon sa PNP chief na magandang gamitin ang pagkakataon para makatulong sa mga nasalanta ng bagyo at habagat sa bansa.

Handa aniya itong magpaayos sa Araneta Coliseum ng 12-round charity boxing match para sa makalikom ng pondo.

Kada round ay mayroong sponsor para mas malaking pondo ang malikom sa nasabing laban.

Sisimulan din ng PNP chief ang pag-ensayo sa PNP Gym kung talagang seryoso si Duterte.

Magugunitang hinamon ng nakakabatang Duterte si Torre sa suntukan matapos ang pagkakaaresto ng ama nitong si dating Pangulong Rodrigo Duterte noong buwan ng Marso dahil sa war against humanity sa International Criminal Court sa the Hague, Netherlands.