-- Advertisements --

Iniulat ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na pitong (7) national road sections ang nanatiling sarado sa rehiyon ng Cordillera Administrative Region (CAR), Region III, at Region IV-A.

Ito’y dahil sa mga insidente ng pagguho ng lupa, pagbaha, at bumagsak na bahagi ng kalsada kasunod ng magkakasunod na epekto ng habagat at bagyong Crising, Dante, at Emong.

Kabilang sa mga kalsadang apektado ay ang Kennon Road sa Tuba, Benguet, at Jct Talubin-Barlig–Paracelis-Calaccad Road sa Mountain Province

Samantala, 16 na national roads ang may limitadong access dahil sa mga nasirang detour road, baha, road slips, at precautionary closures ang apektado kabilang ang mga rehiyon sa CAR, Region I (La Union at Pangasinan), Region III (Bulacan at Pampanga), Negros Island Region, at Region IX (Zamboanga del Norte).

Karamihan sa mga kalsadang ito ay kasalukuyang inaayos o patuloy na inoobserbahan ng DPWH upang agad na maibalik ang normal na daloy ng trapiko.

Habang inuulat din ng ahensya ang iba pang national roads at tulay sa mga apektadong rehiyon ay passable sa lahat ng uri ng sasakyan.