-- Advertisements --

Nagkasundo ang US at China ng kanilang framework trade deal.

Ayon kay US Treasury Secretary Scott Bessent, na ito ang unang binalangkas ng mga lider ng dalawang bansa na unang nagpulong sa bago ang pagkikita nina US President Donald Trump at Chinese President Xi Jinping.

Iniiwasan ng dalawang bansa ang pagkakaroon ng pagtaas pa ng tensiyon dahil sa trade war.

Dagdag pa ng opisyal na ang framework ay tumatalakay sa pagbabago ng taripa na ipinataw ng dalawang bansa.

May mga inaayos pa ang mga opisyal ng US at China para sa pagsasapinal ng nasabing kasunduan.

Magugunitang nagkasundo sina Trump at Xi na personal na magkita sa South Korea sa araw ng Huwebes.