Nakatakdang magpaabot ng teknikal at investigative support ang Philippine National Police (PNP) sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) para sa nagpapatuloy na imbestigasyon ng komisyon sa mga anomalya sa mga flood control projects sa bansa.
Sa naging pagpupulong sa mismong tanggapan ng ICI, binigayng diin ng Pambansang Pulisya na maliban sa mga technical at investigative support, handa rin silang magpaabot ng tulong sa pamamagitan ng kanilang engineering verification, forensic validation at maging sa information systems development.
Layon nito na mapanatili ang integridad at transparency sa pamamagitan ng pagiging data-driven at documentation ng bawat ikakasang proseso na nakalakip sa imbestigasyon.
Samantala, ayon kay Acting PNP Chief PLtGen. Jose Melencio Nartatez Jr., ang pakikibahagi ng PNP sa imbestigasyon na ito ay nagpapakita lamang ng kanilang pagiging propesyunal , patas at pagpanig sa due process na siyang pawang mga bahagi ng kanilang sinumpang mandato.