-- Advertisements --
Naibenta sa isang auction ang electric guitar na ginamit ni Oasis member Noel Gallagher sa halagang P22.6-milyon.
Ang cherry-red Gibson ES-355 ay mayroong damage matapos ang naging alitan na nagresulta sa pagkakawatak ng grupo noong Agosto 2009.
Nasira ito mismo ng kapatid ni Noel na si Liam dahil sa naganap na suntukan nila sa backstage.
Naaayos ang gitara at ito ay naibenta sa auction sa Paris noong 2022 sa halagang P19.8 milyon.
Kasama sa auction ang handwritten lyric ni Noel Gallagher sa halagang P5.9-M.














