-- Advertisements --

Kabilang ang 25 na mga Filipino ang nailigtas sa human trafficking sa Myanmar.

Kasama sila sa 167 na mga katao na nakatawid sa border ng Myanmar at Thailand.

Marami pa rin ang nananatili sa Myawaddy isang lugar sa Myanmar dahil sa hinihintay nila ang clearance mula sa militi na nagkokontrol sa lugar.

Nitong Oktubre 23 ay nagsagawa ng raid ang Democratic Karen Benevolent Army (DKBA) laban sa scam compounds sa KK Park isa sa pinakamalaking hubs na sangkot sa mga online scams.

Nasa 677 katao ang tumakas sa KK Park na tumawid sa Moei River patungong Thailand.

Ang 25 na mga Pinoy ay nakatakas at nakatawid sa ilog ng walang pasaporte.

Ang kanilang hakbang ay base sa tulong ni dating Philippine Embassy Police Attaché Colonel Dominador Matalang at Jay Kritiya ng Civil Society Network for Human Trafficking Victims Assistance (CSNHTV) na sila ang nagbigay ng detalyadong utos at navigation maps.