Nagtutulak si House Assistant Minority Leader at Bagong Henerasyon Rep. Robert Nazal ng panukalang batas na magtatatag ng Philippine Strategic Petroleum Reserve (PSPR) upang palakasin ang seguridad sa enerhiya at protektahan ang ekonomiya laban sa pagkaabala ng pandaigdigang suplay ng langis.
Ang House Bill 8528 ay naglalayong lumikha ng government-managed emergency stockpile ng crude oil at petroleum products na puwedeng gamitin sa matinding supply shocks, geopolitical crises, o malalaking kalamidad na makakaapekto sa availability ng fuel.
Kasama rin sa panukala ang pagtatayo ng geographically distributed storage facilities at ang paglikha ng Strategic Petroleum Reserve Fund para pondohan ang pagbili at maintenance ng emergency petroleum stocks.
Ani REp Nazal, ipinapakita ng mga kamakailang geopolitical developments kung paano agad nakakaapekto sa presyo ng langis, gastos sa transportasyon, at buong ekonomiya ang mga pangyayaring malayo sa Pilipinas. Idinagdag niya na ang agarang pagpasa ng panukala ay mahalaga para sa seguridad sa enerhiya, katatagan ng ekonomiya, at kapakanan ng bawat Pilipino. (report by Bombo Jai)
















