-- Advertisements --

Inatasan na ni Philippine National Police OIC PLTGE Jose Melencio Nartatez Jr. ang Police Regional Office 5 na palalimin ang imbestigasyon sa pagpatay kay Noel Bellen Samar, isang broadcaster sa Bicol.

Sinabi ni Nartatez na prayoridad ng PNP ang kaso, kasunod ng utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at ng DILG sa ilalim ni Secretary Jonvic Remulla na bilisan ang paglutas sa mga kaso ng pagpatay sa mga mamamahayag.

Nasawi si Samar noong October 21 matapos barilin ng apat na beses sa dibdib at tiyan.

Ayon sa Special Investigation Task Group Samar, patuloy silang kumukuha ng mga pahayag mula sa mga saksi, sinusuri ang mga kuha ng CCTV, at nagsasagawa ng forensic at ballistic examination.

Kaugnay nito, nagpulong ang PTFoMS, PRO5, at SITG Samar sa Camp Simeon Ola sa Legazpi City upang pag-usapan ang progreso ng kaso.

Binigyang-diin ni Nartatez na hindi papayagan ng PNP na maghari ang karahasan laban sa mga mamamahayag at sisiguraduhin nilang makakamit ni Samar ang hustisya.