-- Advertisements --

Hinikayat ng pamunuan ng Philippine Ports Authority ang mga residente ng Marawi na i-maximize ang paggamit ng bagong pantalan sa kanilang lugar.

Partikular na tinukoy ni Philippine Ports Authority (PPA) General Manager Jay Santiago ang Port of Marawi na binisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ayon kay Santiago, ang proyektong ito ay nagkakahalaga ng aabot sa ₱261.5 milyon.

Inaasahang makatutulong ito upang manumbalik ang dating sigla ng ekonomiya sa lungsod matapos ang sinapit nito sa mapaminsalang Marawi Siege noong 2017.

Tiniyak ng opisyal na kaisa sila sa rehabilitasyon ng Marawi sa pamamagitan ng itinayong proyekto sa kanilang lugar.

Ayon sa PPA, ang bagong pantalan na ito ay mayroong 8,000 square meters backup area, RoRo ramp, berthing facility at passenger terminal.