-- Advertisements --

Umabot sa 1,007 katao, kabilang ang mga pasahero, crew, at cargo staff, ang na-stranded sa 8 pantalan sa buong bansa nitong Lunes ng gabi, ayon sa ulat ng Philippine Ports Authority (PPA).

screengrab from PPA

Kasunod ng mga anunsyo ang pananalasa ng Super Typhoon Uwan kung saan karamihan sa bansa ay nakataas na sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 5. Dahil dito ay ipinagbawal ang lahat ng biyahe sa sa karagatan lalo na sa apektadong lugar.

Mula alas-12 hanggang alas-4 ng madaling-araw ng Lunes, naitala ng PCG ang 3,161 rolling cargoes, 83 barko, at 22 motorbancas na hindi makabiyahe, habang 408 barko at 304 motorbancas naman ang pansamantalang nagsilong sa iba’t ibang pantalan.

Batay sa 6:00 P.M update ng PPA naitala nito ang mga passenger na stranded sa PMO NCR North (108), PMO Bicol (108), PMO Panay/Guimaras (70), PMO Negros Oriental / Siquijor (2), PMO Agusan (42), PMO Misamis Oriental /CDO (128), at PMO Misamis OCC/Ozamiz (194).

Pinakamaraming naitalang stranded sa PMO Batangas na may 355.

Paalala ng PPA na makipag-ugnayan muna sa mga concerned shipping lines bago pumunta sa pantalan para maiwasan ang anumang abala.