-- Advertisements --

Naniniwala si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na may problema sa pagpapadala ng mga tauhan para tumulong sa mga naapektuhan ng bagyong Tino, at sa gagawing pagpapadala ng tulong para sa mga lugar na tatamaan ng super typhoon Uwan.

Ayon sa Pangulo, napag-usapan nila ito sa situation briefing sa Office of the Civil Defense, lalo na dahil halos lahat ng tauhan ay nasa Visayas ngayon para tumulong sa mga biktima ng bagyong Tino.

Sinabi ng Pangulo na aalamin nila kung sino ang maaaring umalis sa Visayas para ipadala sa Northern Luzon, kung saan inaasahang mananalasa ang bagyong Uwan.

Nilinaw rin ng Pangulo na hindi nila iiwan ang Cebu hangga’t hindi paayos ang sitwasyon doon.

Gagawin nila ito habang pinaghahandaan ang pagdating ni Uwan, na sinasabing mas malakas pa sa bagyong Tino at posibleng maging isang super typhoon.