Naghatid ng tulong ang Department of Social Welfare and Development sa mga naging biktim ang mga nagdaang bagyo sa lalawigan ng Sorsogon.
Ginawa ng ahensya ang hakbang habang ang ang lahat ay abala sa paghahanda sa pagsalubong sa bagong taon sa bansa.
Nakatanggap ng ayuda ang libo-libong pamilya na sinalanta ng nagdaang bagyong Uwan sa naturang lalawigan kung saan ang mga ito ay nakatanggap ng mahigit P 23M na halaga ng tulong pinansyal .
Nanguna sa pamamahagi ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office V – Bicol Region.
Isinagawa ng pagbibigay ng tulong sa pamamagitan ng Emergency Cash Transfer (ECT) payout para sa 4,337 pamilyang apektado ng bagyo mula sa iba’t-ibang lugar sa lalawigan.
Nabatid na ang Emergency Cash Transfer ay isang post-disaster intervention na nagbibigay ng unconditional cash grant sa mga pamilyang naapektuhan ng kalamidad .
Ito ay alinsunod pan rin sa Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tiyaking walang mga mamamayang Pilipino ang mapapabayaan lalo na sa panahon ng kalamidad na malimit tumama sa bansa.
















