Iginiit ng Malacañang na hindi inaasahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ang kaniyang magiging bise presidente ay hindi umano tutulong sa administrasyon at babatikos pa sa pamahalaan.
Ayon kay Palace Press Officer USec. Claire Castro na sa kabila ng mga kaganapan hindi nagsisisi ang Pangulo sa nangyari at mananatili itong nakatuon sa pagtatrabaho para sa bayan.
Dagdag pa ni Castro, kung hindi man siya matulungan ng kaniyang bise presidente, magpapatuloy pa rin umano ang Pangulo sa pagtupad sa kaniyang tungkulin para sa kapakanan ng mamamayan.
Tugon ito ni Castro matapos itanong kung kapareho ng nararamdaman ni VP Sara na humingi ng paumanhin kung natulungan niyang manalo ang Pangulo ang sentimyento din ng Chief Executive.
Kaugnay naman ng pagdedeklara ni VP Sara ng kandidatura sa 2028, sinabi ng Malacañang na nasa taumbayan ang paghusga sa mga kandidato at hinikayat ang publiko na maging mapanuri sa pagpili ng susunod na lider ng bansa.
















