-- Advertisements --

Naghatid ng tulong ang pamunuan ng Department of Social Welfare and Development sa mga biktima ng bagyong Tino sa lalawigan ng Cebu.

Batay sa datos, aabot sa 17,562 pamilya ang hinatiran ng pinansyal na tulong ng ahensya.

Ang mag pamilyang ito ay nagdulot ng malawakang pinsala sa kanilang mga kabuhayan at tahanan.

Layon ng tulong na ito na maibsan ang kanilang paghihirap at matulungan silang makabangon muli.

Nanguna ang DSWD Field Office 7 Central Visayas sa pamamahagi ng Emergency Cash Transfer (ECT) Assistance.

Ang mahalagang inisyatiba na ito ng DSWD ay naaayon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na nagbigay-diin sa kahalagahan ng pagtiyak na maramdaman ng bawat Pilipino ang suporta at tulong ng pamahalaan, lalo na sa panahon ng matitinding pagsubok at krisis tulad ng pagkatapos ng isang malakas na bagyo.