-- Advertisements --

Ibinasura ng Department of Justice (DOJ) ang cyberlibel na inihain ni Senator Risa Hontiverors laban kina Atty. Ferdinand Topacio, Byron “Banat By” Cristobal, Jay Sonza, Alex “Tito Moreno” Destor, Jeffrey “Ka Eric” Celiz at Krizette “Kiffy” Chu.

Sa inilabas na resolution na may petsan Disyembre 22, 2025 ay nakita ng panel of government prosecutors na walang matibay na ebidensya laban sa mga inireklamo.

Nagbunsod ang reklamo sa video na inilabas sa social media kung saan ang witness ng senado laban kay Kingdom of Jesus Christ leader Apollo Quiboloy ay binayaran umano ni Hontiveros para sa kaniyang testimonya.

Ayon kay Senior Assistant State Prosecutor Amanda Felipe at Prosecution Attorney Maria Fraulaine May Rapal na ang komento ng mga inireklamo ukol sa video na ipinost sa kanilang social media ay kanilang pananagutan ng sarili.

Dagdag pa nila na ang pagiging sensitibo ay walang lugar sa serbisyo.

Ikinatuwa naman ni Topacio ang desisyon na ito ng DOJ kung saan ito ay nagpapakita ng karapatan ng bawat nasa mamamahayag ganun din mga mamamayan na legal at responsableng batikusin ang mga opisyal ng gobyerno.