Ipinag-utos ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon ang pansamantalang pagtigil sa lahat ng isinasagawang bidding para sa mga proyektong pinopondohan ng lokal na pamahalaan na nasa ilalim ng kanyang ahensya.
Ang nasabing anunsyo ay ginawa ng kalihim sa isang seremonya ng paglilipat ng kapangyarihan sa bagong liderato ng Department of Transportation (DOTr).
Ayon kay Sec. Dizon ang pagpapahinto ng proseso ng bidding mula sa national hanggang sa district level.
Layunin ng pagpapahinto ay upang muling suriin ang mga bidding na ito at siguraduhin na ang mga ito ay sumusunod at nakahanay sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ipinaliwanag ng kalihim na ang pangunahing dahilan sa likod ng hakbang na ito ay dahil ayaw ng Pangulo na masayang ang pondo na nagmumula sa mga nagbabayad ng buwis.
Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng paggamit ng pondo ng bayan sa mga proyekto na makakatulong talaga sa mga mamamayan.
Idinagdag pa ni Sec. Dizon na iniutos din niya ang pagpapatupad ng mas mahigpit na mga pananggalang o safeguards sa mga proseso ng ahensya. Ito ay upang matiyak ang transparency at accountability sa lahat ng transaksyon at proyekto.