Hiniling ni dating Senator Antonio Trillanes IV sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) na ipatawag sina Senator Bong Go, ama at kapatid nito para imbestigahan sa maanomalyang infrastructure projects.
Ayon sa dating senador na kaniyang isinumite sa ICI ang affidavit na unang naipasa niya sa Office of the Ombudsman.
Sinabi naman ni ICI executive director Brian Keith Hosaka na kaniyang isasangguni muna sa commission ukol sa nasabing usapin.
Magugunitang nagsampa ng plunder at ilang mga kasong kriminal si Trillanes laban kina dating Pangulong Rodrigo Duterte, Go, ama nitong si Deciderio Lim Go at kapatid na si Alfredo Go dahil sa P6.95 bilyon na infrastructure projects na ibinigay ng gobyerno sa CLTG Builders na pag-aari ng ama ng Senador ganun din sa Alfredo Builders na pag-aari ng kapatid ng Senador.















