-- Advertisements --
Binatikos ng Alliance of Concerned Teachers (ACT ang Department of Public Works and Highways (DPWH) dahil sa walang hakbang na ginagawa sa problema ng kakulangan ng classroom sa bansa.
Ayon kay ACT Chairperson Ruby Bernardo na ang target na 1,700 na silid aralan ng DPWH ay hindi sapat para punan ang 165,000 na classroom shortage.
Nakakalungkot aniya dahil a marami pa ring mga mag-aaral ang nagsisiksikan sa mga maliliit na classroom.
May ilan pa na hinahati pa ang silid aralan para pagkasyahin ang dalawang klase.
Malinaw aniya ito na isang malaking kapabayaan ng DPWH na nakakaapekto sa kalidad ng edukasyon sa bansa.
Hinikayat nito si Pangulong Ferdinand Marcos Jr na tugunan ang matagal na problema sa kakulangan ng silid aralan sa bansa.