Nakabalik na sa Pilipinas si Pangulong Ferdinand Marcos Jr matapo ang ginawang pagbisita nito sa US at personal na pakikipagpulong kay President Donald Trump .
Nitong Miyerkules ng gabi, Hulyo 23 ng dumating ang Pangulo.
Sa kaniyang arrival statement, tiniyak nito ang tulong na ibabahagi ng gobyerno para sa mga nasalanta ng matinding pagbaha dahil sa habagat ang mga bagyo.
Hinikayat nito ang publiko na apektado na sumunod sa kautusan ng mga otoridad.
Inilahad din ng pangulo ang ilang tagumpay na pakikipagpulong nito kay Trump.
Natalakay sa nasabing pulong ang ilang usapin ng seguridad, kalakalan at defense cooperation.
Ipinagmalaki din ni Marcos na nakalikom ito ng mahigit $21 bilyon na investment pledges mula sa mga nakapulong niyang mga business leaders at top executives ng iba’t-ibang kumpanya sa US.
Inimbitahan din ni Marcos si Trump na bumisita sa bansa at dumalo sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) meeting sa 2026 kung saan magiging host ang Pilipinas.