-- Advertisements --

Bukas ang Malacañang sa panukalang isinusulong ni House Majority Leader Sandro Marcos na magbigay ng libreng kuryente sa mga pamilyang mababa ang konsumo.

Ayon kay Palace Press Officer USec. Claire Castro, kasalukuyan nang ipinatutupad ng administrasyon ang libreng kuryente para sa mga benepisyaryo ng 4Ps na hindi lalampas sa 50-kilowatt hour ang konsumo. 

Pagtiyak naman ni USec. Castro, na pag-aaralan pa ang mga probisyon ng panukalang batas upang matukoy ang magiging epekto nito, kabilang na kung sino ang sasagot sa gastos sakaling maipatupad.

Sinabi rin ni Castro na posibleng makatulong ang panukala sa mga kababayang maliit ang konsumo ng kuryente at mahikayat ang mas maingat na paggamit ng elektrisidad, ngunit kailangan pa itong masusing suriin bago tuluyang suportahan ng administrasyon.