-- Advertisements --
Nagtungo sa Scotland si US President Donald Trump para bisitahin ang dalawang golf resorts na kaniyang pag-aari kung saan doon isinilang ang kaniyang ina.
Inaasahan na bibisitahin ni Trump ang Turnberry sa South Ayrshire isang world class na resort na nabili niya noong 2014 at sa Menie sa Aberdeenshire kung saan magbubukas ito ng bagong 18-hole course.
Ayon sa White House na makakapulong din ni Trump si Prime Minister Sir Keir Starmer para talakayin ang trade habang ito ay nasa United Kingdom.
Itinuturing na kakaiba ang nasabing biyahe dahil sa madalang na ipinapaalam ng isang pangulo sa US ang kanilang mga personal na hilig para malaman ng mga tao.