Umapela ng panalangin at hinikayat ni Senator Christopher Bong Go ang publiko na manatiling mahinahon ngayong araw, kasabay ng pormal na pagsisimula ng confirmation of charges hearing ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC).
Sa isang pahayag, ipinaabot ng mambabatas ang kanyang suporta para sa dating pangulo na nahaharap sa kasong crimes against humanity kaugnay ng kontrobersyal na kampanya kontra-droga ng nakaraang administrasyon.
Ipinapanalangin rin ng senador ang pagkakaroon ng dating pangulo ng courage, peace of mind at magandang kalusugan.
Hiniling din ng senador na magtiwala ang mga taga-suporta sa umiiral na sistema ng hustisya.
Matatandaang si Go ay kinilala rin ng ICC bilang isa sa mga hinihinalang co-perpetrators sa nasabing war on drugs.
Gaganapin ang pagdinig mula ngayong Pebrero 23 hanggang Pebrero 27 sa The Hague, Netherlands.
Kaugnay nito, nanawagan din si Go para sa kalayaan ng dating punong ehekutibo.
















