-- Advertisements --

Tiwala ang auto industry ng bansa na maaabot nila ang record-high na kalahating milyong na mga sasakyan na maibebenta ngayong taon.

Ayon sa grupo na sa nagdaang anim na buwan pa lamang ng taon ay nakita nila ang pagdami ng bilang ng mga bumibili ng mga sasakyan.

Kung noong nakaraang taon ay pumalo sa 475,000 na mga sasakyan ang kanilang naibenta at tiyak na mahihigitan nila ito ngayong taon.

Ang nasabing positibong tugon ay kasunod ng hindi na pagpataw ng anumang taripa ng gobyerno sa mga sasakyan ng US.