Kakailanganin ng Commission on Elections (COMELEC) ang Php 8.5M na pondo para sa special election sa Batanes, kasunod ng pagpanaw ni Rep. Ciriaco Gato Jr.
Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, target nilang idaos ang halalan sa Disyembre 19 upang mapunan ang nabakanteng puwesto sa Kongreso.
Sa ngayon, hahanap muna ng pondo ang poll body sa pamamagitan ng pagtitipid sa mga kasalukuyang programa at proyekto ng komisyon.
Ipinaliwanag ng poll chief na batay sa desisyon ng Korte Suprema, obligado ang Comelec na magsagawa ng special election kahit wala pang nakalaang pondo at hindi na kailangan ng pahintulot ng Kongreso upang idaos ito sa loob ng 60 hanggang 90 araw.
Matatandaang hindi rin pinagbigyan ng executive branch ang kahilingan ng komisyon para sa karagdagang pondo sa mga naunang special election sa Antipolo City at Dasmariñas City.















