Inanunsiyo ni US President Donald Trump na nagkaroon sila ng malawakang trade deal sa Japan.
Sinabi ni Trump na pumayag na ang Japan na mag-invest ng $550 bilyon sa US habang ang mga produkto nila na ibebenta sa US ay papatawan na ng 15 %.
Ang nasabing taripa ay mas mababa kumpara sa 25 percentage unang ibinabala ni Trump sa Japan.
Itinuturing ni Trump na ito na ang pinakamalaking trade deal sa kasaysayan ng US at Japan.
Ikinatuwa naman ni Japanese Prime Minister Shigeru Ishiba ang anunsiyo na ito ni Trump kung saan ito na ang pinakamababang taripa na naibigay ng US sa anumang bansa.
Giit naman ni Ishiba na ang kasunduan ay hindi kasama ang anumang pagbawas ng taripa sa panig ng Japan.
Una sinabi ni Trump na ang pagpapataw ng mga taripa ay magiging epektibo sa Agosto 1.