-- Advertisements --
Kinumpiska ng US ang oil tanker na galing sa Venezuela.
Ayon sa US Department of Homeland Security, na ito ay alinsunod sa kautusan ni US President Donald Trump na harangin ang mga sanctioned oil tankers na pumapasok at lumalabas sa Venezuela.
Ito na rin ang pangalawang beses ngayong buwan na kinumpiska ng US ang oil tanker.
Gaya ng naunang operasyon ay pinangunahan ito ng US Coast Guard.
Kinondina naman ng Venezuela ang hakbang na ito ng US kung saan tinawag nila itong pagnanakaw at kidnapping.















