Kumasa na si Ukrainian President Petro Poroshenko sa hamon na debate ng kaniyang katunggali na si Volodymyr Zelensky.

Handa rin itong sumailalim sa drug at alcohol test.

Hindi naman nito binanggit kung kailan gaganapin ang nasabing paghaharap nila.

Ang nasabing hakbang ay kasunod ng paghamon ni Zelensky ng debate na ang magiging moderator ay ang dating prime minister na si Yulia Tymoshenko.

Si Zelensky ay komedyante na walang anumang political experience ay nanalo sa unang round ng presidential elections ng Ukraine.