-- Advertisements --

Napigilan ng mga Ukrainian authority ang tangkang pagpatay kay Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy.

Ayon kay Vasyl Malyuk ang namumuno ng Security Service of Ukraine (SBU) na nangyari ang pagtatangka sa buhay ng kanilang pangulo habang ito ay nasa Rzesvzow airport sa Poland.

Ang nasabing suspek ay isang Polish citizen at dating sundalo na nirecruit ng ilang taon ng nakakaraan.

Ilan sa mga plano nito ay ang paggamit ng FPV drones at sniper weapons.

Pinasalamatan ni Zelensky ang SBU at Polish Internal Security Angency dahil sa agad na naaresto ang suspek.

Hindi lamang ito ang unang pagkakataon na tinangkang patayin si Zelensky dahil noong nakaraang taon ay ilang mga sundalo rin sa Poland ang nagtangka sa buhay nito.

Karamihan sa mga naaresto nila nagtatrabaho o may ugnayan sa Russian FSB.

Nasa United Kingdom ang Ukrainian President para makapulong si King Charles III.