-- Advertisements --

Dalawang property sa Davao na sinasabing binili ni Atty. Manases “Mans” Carpio ang hindi umano tumutugma sa mga deklarasyon sa saln ni Vice President Sara Duterte.

Inilahad Ito sa ika-32 araw ng impeachment trial matapos tumestigo ang Davao City register of deeds IV na si Atty. Kathy Florence Baldonado at Island Garden city of Samal deputy Register of Deeds III na si Atty Marco Pineda.

Ayon kay Baldonado, bumili si Carpio noong 2024 ng P6-milyong property sa Barrio Matina, Davao City na may lawak na 379 square meters.

Sinabi ni presiding officer Francis “Chiz” Escudero na Hindi niya nakita ang naturang property sa 2025 SALN ni Duterte.

Tumutol naman ang defense lawyer na si Atty. Lindon Bacquel at sinabing maaaring kabilang ang property sa saln dahil ang matina crossing ay kilala rin bilang barangay 74-a, na nakasaad sa deklarasyon ni Duterte.

Samantala, sinabi ni Pineda na bumili si Carpio noong 2018 ng isang property sa matanos, Island Garden city of Samal sa halagang P3.453 milyon.

Gayunman, aniya, walang deklarasyon sa saln ni Duterte na eksaktong tumutugma sa deed of absolute sale.

Iginiit din ni Pineda na iisa lamang ang parcel of land na nakasaad sa naturang titulo, hindi dalawa.