-- Advertisements --
Patuloy ang ginagawang airstrike ng Russia sa Ukraine.
Pinakahuling insidente ng tamaan nila ang Dnipropetrovsk region kung saan mayroong 17 katao ang nasawi at nasira ang mga paaralan, pagamutan at pampasaherong train.
Nasugat din sa insidente ang mahigit na 100 katao.
Nangyari ang insidente habang dumadalo si Ukrainian President Volodymyr Zelensky sa summit ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) sa The Netherlands.