-- Advertisements --

Naglunsad ang Russia ng pinakamalaking aerial attack laban sa Ukraine.

Ayon sa Ukraine military na aabot sa 537 na mga aerial wepons ang ipinaulan ng Russia sa kanila.

Kabilang na dito ang 477 na mga drones at decoys ganun din ang 60 missiles.

Sa nasabing bilang ay 249 ang napabagsak nila at 226 naman ang nawala na-electric jammed.

Itinuturing ng Ukraine na ito na ang pinakamaraming air strike ng Russia mula ng magsimula ang labanan ng mahigit tatlong taon.

Kasamang napabagsak ang fighter jet ng Ukraine ng subukan nitong harangin ang ilang mga drones.

Nataranta naman ang Poland kung saan nagpalipad sila ng mga fighter jets nila para matiyak ang kaligtasan ng kanilang airspace.